Sunday, September 14, 2008

Nasaan Kaya Ako?



Naglalaro sa hangin ang buhay ko

Di malaman kung saan ang tungo

Sumasabay sa agos ng mundong ito

Ako'y gulong gulo.


Di ko namalaman kung ano ang gagawin

Sa buhay ko

Pawang kalungkutan walang pagbabago

Kapaguran ang laging nadarama ko.


Kabiguan ang naging dahilan

Naghahanap ng liwanag

Layaw ng laman na s'yang pansamantalang

Kasagutan sa aking hanap.


Nasaan kaya ako _ _ _ _ _ kung wala ka

Di ko na malaman kung saan ako pupunta

Maaaring nasa hangin pa ako

Di alam kung saan ang tungo.


Nasaan kaya ako kung wala ka _ _ _ _ _ _ sa buhay ko?

No comments: